Okay, eto na naman tayo at kailangan na natin planuhin ang outing ng PPF ngayong 2014. Para maisakatuparan namin ang outing na ito, kailangan namin hingin ang inyong mga opinyon at komento.
Para sa taong ito, dahil last year ay nag-North tayo pa-Bolinao, ngayon naman ay mag-South tayo. Sa pagkakataong ito, sa Laiya Aplaya, Batangas ang ating outing. Ang biyahe ay humigit kumulang na apat na oras. Ang date para sa outing ay May 16-18, 2014.
Kanina lang ay nakapunta na kami sa Laiya upang mag-scout ng mga sulit na resorts. Dalawa dito na nakita namin ay Sigayan Beach Resort at Kabayan Beach Resort.
Una, sa Sigayan Beach Resort. Maasikaso ang staff at malinis naman ang lugar. Kahit saan ay may CCTV kaya't documented pa din sa resort ang ating kalokohan (biro lang). Merong sari-sari store, videoke (na available lang hanggang 10pm dahil sa no-karaoke ordinance), at may iba't-ibang activities na available tulad ng Jetski, Kayak, Snorkeling, etc.
Pros:[*] Mas mura ng kaunti (P300-P600 price difference)
[*] May available na Jetski for rent
[*] Free WiFi, ref, 5-gallons of water per day, stove with free LPG
Cons:[*] Mas cramped ang lugar dahil dikit-dikit ang mga dorms
[*] Kailangan magdala ng cooking utensils at dining ware
[*] Hindi ganun kalaki ang beach area
[*] Walang swimming pool
At pangalawa, ang Kabayan Beach Resort. Maasikaso din ang staff, pero ang una naming napansin ay napakalawak ng lugar, at attractive din ang prices. May swimming pool, restaurant, sari-sari store, at meron pang chapel.
Eto din ang kakaiba sa napansin namin compared sa mga resort na kinanbasan namin ay kasama na ang cooking utensils at dining wares. Dahil dito, ulam at inumin na lang ang kailangan natin dalhin upang magluto. Laking menos ito pagdating sa dadalhin natin sa outing.
Pros:[*] Mas maluwag ang lugar at mas maraming amenities, tulad ng pool, restaurant at chapel
[*] Readily available na ang cooking utensils at dining ware, kaya't food at drinks na lang ang kailangang dalhin
[*] Mas malawak ang beach area
[*] Free WiFi, ref, 5-gallons of water per day, stove with free LPG
Cons:[*] Mas mahal ng kaunti (P300-P600 price difference)
[*] No Jetski for rent
[*] May bayad na P50/head sa pool area, pero optional naman ito
For this outing, estimated namin na budget bawat head ay minimum of P2,500, at para safe naman ay P3,000 or higher. All-in na ito - transportation expenses, lodging, at food for 2 nights.
Kung papipiliin kayo kung saang resort tayo this year, saan, at bakit? We need your comments!
Isang mahalagang paalaala - ang policy ng dalawang resort na ito ay 50% downpayment at kailangan one month before ay final na ang reservation natin. Kaya't ngayon pa lang, tumatanggap na kami ng downpayment na minimum of P1,000 para sa outing na ito. As usual, ang perks ng mauunang mag-down ay pwede sila makapamili ng kama o pwesto nila.
Antayin namin ang inyong boto. This poll will run for one week. After this poll (or kahit ngayon pa lang), we will accept downpayments through our usual bank account.
Deadline for downpayment is at April 1, 2014.
For deposits, please scan your receipts and send via PM.
Bank: BDO
Name: Amp-o-tech Musicware Services (if the BDO teller asks kung kanino naka-pangalan, pakisabi na lang to check their records, they can see it)
Account number: 1240132563
Savings peso account
Sct. Tobias/Timog Branch
Para makita ang buong album: