It’s that time of the year again! It’s the PPF Outing 2015, with a different twist - in Tagaytay! Sama na kayo dahil once in a year lang ang PPF Outing, at parati naman itong masaya *coughcoughpointsatPPFOutingvideoscoughcough*
What: PPF Outing 2015, a 3-days 2-nights summer outing
When: May 22-24, 2015
Where: Rest house @ Tagaytay-Sta. Rosa Road corner Tagaytay-Calamba Road, Tagaytay.
Napag-botohan sa voting poll na No to Swimming this year, kaya, sige, game! No swimming tayo for this year! Pero, may iba tayong activities para masaya:
Picnic Grove attractions
Mountain Hiking @ Taal Volcano (kung mapagusapan)
Map:
http://i.imgur.com/We7hDZQ.jpgMerong malapit na 7-11, Andoks Chicken at Palengke
Required budget is P2,000 per head, minimum. Safe na ‘yan, kasama na pamasahe, lodging, pagkain and activities.
Regarding reservations naman, we will be accepting reservations until May 10, 2015. As usual, first come first served pagdating sa pagpili ng kwarto at kama, mas maaga, mas okay!
Minimum downpayment is P1,000 per head. For reservations, PM habble for the BPI bank account details. Again, first come first served basis!
Sama na kayo!
------------ UPDATE ------------
Limang araw na lang, at PPF Outing 2015 na!
Sa mga gusto pa humabol, pwedeng-pwede pa po kaya pasabi lang para malista na kayo sa attendees. Eto ang napag-mitingan kagabi.
** Paki-check na lang ang post na ito dahil mag-uupdate pa kami ng pwede pang i-update **
Sa lahat, huwag kakalimutan ang mga sumusunod - extra clothes at panloob, toiletries, sabon, sunblock, shampoo, sipilyo at toothbrush, money, cameras, medicine (Biogesic, painkillers, etc. for safety lang)
Para sa mga magko-commute sa outing na ito, kita-kita sa bus terminal sa Shopwise Cubao ng 7 am. Departure time naman ay 9 am para makarating kayo sa Tagaytay ng 12 pm para sa check-in. ** Citation needed for Bus Terminal and Derpature time **
Para sa mga may carpool, pag-alis natin sa umaga ng Day 1, kailangan natin dumaan sa supermarket para mag-grocery ng mga kinakailangan para sa meals sa Day 2.
Tulad ng outing nung nakaraang taon, two meals lang natin kailangang magluto, ang Day 2 lunch at Day 2 dinner. Sa Day 1 dinner naman ay kakain tayo sa labas para maka-relax din ang lahat at ma-enjoy ang bahay bakasyunan.
Sa activities naman, Picnic Grove tayo sa Day 1, at Taal Volcano Crater Tour at Board Games sa Day 2. Ihanda ang bulsa at katawan, lalo na sa Crater Tour XD masaya ito at maraming lakad na kailangan.
May inuman tayo sa Day 2 ng gabi, pero siyempre, walang heavy drinks, lalo na sa ating mga driver.
Sa Day 3, check-out time ay 12 pm kaya, pack-up na tayo by 11 am.
Onting araw na lang, Tagaytay na!