Dahil iba ang topic sa thread na iyun, naisipan kong gumawa ng bagong usapan para sa outing.
Date
Ito ay, as usual, 3-days at 2-nights na outing. May 13-15, 2011. Mula Friday ng tanghali, hanggang Linggo ng tanghali. Ngayon pa lang, mag-paalam na kayo sa mama't papa niyo, or mag-file na ng leave. Maaari na rin kayo mag-ipon para sa nakatakdang budget, ngayon pa lang.
Budget
Dahil sa inyong boto noong PPF Party, lumalabas na karamihan sa atin ay kaya ang P1,500-P2,000 bilang budget sa outing na ito. Dahil doon, wag na kayo mag-alala. Napagaralan namin ang mga posibleng puntahan natin ngayong taon.
Transpo
Gusto naming magtanong kung sino sa inyo ang 100% sure na makakagpadala ng transpo para sa outing na ito. Yung iba kasi na hindi makakasabay, ay mag-cocommute via bus.
[citation needed sa budget sa pamasahe pag commute, please standby for more infoooooooooo]
Place
Nag-scout kami nung Sabado sa Calamba, Laguna. Tatlo ang napuntahan naming resort na may pinaka-attractive na rates.
Ipagpalagay na natin na 24 tayong pupunta, kaya diyan natin i-base ang calculations ng budget per head.
First resort: Monte vista Hotsprings
Nakakuha kami private pool package rate for 24 persons na
nagkakahalaga ng P35,600, na good for 3-days and 2-nights na. Kasama na lahat-lahat, cottages, electricity, resthouses, pools, etc. So ang lumalabas..
Monte Vista Hotsprings budget per head = P1,780
Pics:
Bago dumating:

Pics sa loob:












Second resort: Splash Mountain
Ngayon naman, ang Splash Mountain. Maganda naman ang lugar, at pam-pamilya talaga tignan ang resort. May area para sa bata, at para sa hindi ganun kabata.
Lumalabas na P26,000 for 3 Days 2 Nights, para sa dalawang dormitory rooms for 24 pax. Air-conditioned, 12-single beds, common toilet & bath, television and lobby area.
So kung 24 tayo..
Splash Mountain Resort budget per head = P1,083
Pics:
Entrance:

Loob:





Last resort: La Vista Pansol <-- Pun (not) intended
At sa wakas, nakarating kami sa kahu-hulihang resort na aming kayang puntahan noong araw na yun. Ito dapat talaga ang una naming pupuntahan ngunit nakalagpas kami, kasi kailangan mong kumaliwa at pumunta pa sa looban para makita ang resort (ito ay kung galing ka ng Manila).
So far, eto ang nagpakita ng promising rates para sa aten, and, surprise! Private pool rates!
Family Rest House for 10 pax, 4m x 8m private pool, own shower, aircon, videoke machine (P5 per song daw). P4,500 a day. So kung 24 tayo, P4,500 x 2 (and I think hindi naman matutulog ng sabay-sabay), plus required Entrance fee sa Wet 'n Wild, which is P170 for adult for the whole stay. Sumatotal:
P18,000 / 24 = P750 + P170 = P920/head
Oh, nalimutan ko. May free WiFi daw sa lobby.
Check niyo na lang yung pics for justice.
La Vista Pansol budget per head = P920
Pics:
View mula sa loob:


Inside:



Wet 'n Wild:

Kapag hindi ka nagbayad ng P170, hindi ka makakapasok dito, at doon lang pwede sa mga basic pool. P70/day naman. Pero what, sa Wet 'n Wild na tayo kung dito tayo mag-stay.







Extreme water diving:

Patungo sa rest house (Alam na kung sino ang mga kasama ko):

So eto ang loob ng rest house:

And eto ang private pool (Extreme diving ulet):

------------------------------------
Take note pala na ang lahat ng budget per head ay rough estimate lang dahil pwede pa tayo magkaroon ng ibang fees, tulad ng corkage, electricity, etc. Kaya't mas maganda kung maghahanda ng mas higit sa budget para may emergency funds.
Ipinapaalala lang namin sa lahat na mapagdedesisyunan ang huling lugar sa pangalawang linggo ng Marso.
Habang maaga pa, tanong lang po kung may katanungan at kung meron kayong pwede i-contest sa ating outing plan.
Salamat sa lahat
