Dahil isang buwan na lang at PPF Outing 2009 na, eto na ang huling pagkakataon niyo para makasama sa sure headcout para sa PPF Outing ngayong taong ito!
Bakit nga ba kailangan ng downpayment? Ang downpayment ninyo ang magsisilbing kabayaran para matiyak namin na 100% sure kasama kayo sa final headcount. At bakit kailangan ng headcount? Para masabi natin kaagad sa Kuhala Resort kung ilan talaga tayong lahat, para ma-finalize kung ilang room ang kailangan nating ipa-reserve. Nagkaroon na kasi dati ng ganito, tapos nag-backout, kaya't kahit nakakahiya, kailangan namin ipacancel ang reservation ng isang room.
Minimum downpayment po ay P500. Kita-kita lang tayo sa Timezone Megamall, 2 PM onwards. Andoon lang kami, maghihintay sa inyo. Laro lang ng V5, or tambay, okay lang

See ya
