At ano naman ang meron sa celebration natin? Well, "Kita-kits sa Kanto" para sa isang foodtrip! Nakahanap kami ng isang all-day breakfast place na tinatawag nilang "Kanto Freestyle Breakfast" (located at Brgy. Kapitolyo, Pasig), na di lang masarap, swak pa sa budget.
Heto ang sinubukan namin ni Habs nung dumalaw kami, "Tocino & Poached Eggs served with tomatoes & pesto" & "Eggs Benedict":


Sa mga nais sumama, magkita-kits tayo sa Nov. 22, 3pm sa Timezone SM Megamall para mag-meet up at maglaro.
Susugod tayo sa Kanto at 5pm para sa isang malupit na breakfast foodtrip.
At sa mga nais pang tumambay afterwards, tutungo naman tayo sa Greenfield District at around 7pm-8pm para sa Starbucks or Serenitea (or whatever tea/coffee shop is available).
How to go to Kanto Freestyle Breakfast
^ Click on image to open Google Maps on your browser
Sa mga sasabay mula sa Megamall:
1. Sasakay tayo ng FX papuntang Pasig
2. Bababa tayo sa Capitol Commons
3. Maglalakad tayo for a few minutes through Capitol Commons, Capitol Dr, San Rafael St, & 1st St
Sa mga hahabol:
1. Sumakay ng jeep sa Shaw Blvd na papuntang Pasig (kung galing sa side ng EDSA)
2. Bumaba sa Capitol Dr (sa opposite side ito ng Capitol Commons)
3. Maglakad papasok ng Capitol Dr
4. Kumanan sa San Rafael St
5. Kumaliwa sa 1st St at hanapin sa right side ang Kanto Freestyle Breakfast
Budget
P40-P50 (rough estimate) for transportation from Megamall to Kapitolyo & Kapitolyo to Greenfield
P150-P200 for Kanto (one set of meal & drinks)
P200 for Starbucks/Serenitea
So, who's game for pancakes, bacon, & eggs? XD