Sa lahat ng sumama sa PPF Outing 2014, maraming salamat! Mula sa biyahe, sa first dinner, sa Pictionary games, pool at beach, pati na din ang last supper at siyempre, ang Pictionary+Batsu game remix, nag-enjoy ako ng husto

Siyempre, salamat din sa lahat ng tulong pagdating sa pagluto at paglilinis.
Eto ang run-down ng PPF Outing 2014:
- All commute mode! Naaalala ko ng maigi ang pinakaunang PPF Outing noong 2005, kung saan lahat tayo ay nag-commute papuntang Pangasinan.
- Natuwa ako sa Bahay Dama De Noche. Malamig ang aircon, may cable TV pa sa sala, at kumpleto ang mga gamit sa kusina.

- Beach is nice on the first day. Nakaabot kami sa peanut butter jelly time (algae-ish texture ng sea floor). Medyo humangin-hangin nga lang kaya kailangan na namin bumalik, which is umulan nga kinagabihan.
- Dinner at Laiya White Cove! Eto ang unang outing na hindi namin kailangan mag-prepare ng dinner. P158/head ang gastos sa dinner, kaya okay naman

Panalo ang sinigang na baboy!
- Pictionary Night, Day 1. Matagal ang games, pero nakakatuwa. Siyempre, natawa ako sa mga nakakatawang drawing.

- Tuna sandwich and egg-maling bread lunch galore, courtesy of Sketch! Sarap!
- Swimming and beach day! Lumangoy sa swimming pool, then pagtapos ng ilang minutes, nagpunta naman sa beach, tapos bumalik sa pool. Hindi humahangin hindi tulad ng first day, kaya mainit ang pakiramdam, kaya't bumalik na lang kami sa pool.
- Special guest appearance of Mike, ang bassist ng PPF All-Stars/Sound Motion Sequence

Dahil doon din sila nag-company outing.
- Katsu Curry and Eddobo/Chadobo night! Sa sobrang dami ng Jasmine rice, nabusog kaming lahat, at hindi pa naubos ang kanin.
- Pictionary Night, Day 2. This time, with a new twist, kaya tinawag namin itong Pictionary+Batsu night! Pag may nag-roll ng normal die, papaluin. Kapag girls naman, yung kanilang S.O. ang mag-take ng palo (*Coughcough*MiffsterArcHabble*coughcough*). Congrats sa ating record breaker na si Miffster sa mahigit 20 na palo, at kay Xtraryce na hindi napalo (Virgin *ss)

- Adobo rice breakfast! Leftovers kagabi, breakfast ng third day!
- Finally, group pic at group selfie sa playground ng Kabayan. Aaaand departure!
It's been a very good outing, kahit 13 lang tayo this time. Ganun pa rin tayo kasaya, kaingay, at kagulo. Masaya din kami at natapos kaagad ang tasks na tulad ng pagluluto, at paglilinis pagkatapos ng kainan.
Pictures coming up! Yung vids, tignan natin sa susunod na party ha
